SEP
30
2011

The JunA's Ramblings #2

A picture paints a thousand words but what words exactly a picture can imply is always relevant to the observer.
SEP
26
2011

The JunA's Ramblings #1

I'm normally very careful with the things that come out of my mouth. So if I say something and it comes out harsh, it may mean there's just no gentle way to say it.
SEP
25
2011

Love Songs

Dahil sa buong araw akong nahimbing, alas tres na ng madaling araw ay hindi pa rin ako makatulog at mulat na mulat pa ang aking mga mulat nang mata at siguro dahil na rin hindi ko mapigilan ang sarili ko sa paglagok ng kape (oo, adik ako sa kape! Walang basagan ng trip!). Dahil na rin alas tres na ng madaling araw, wala na rin akong masyadong ibang choice na magawa kundi ang humarap sa aking computer.

Nakakasawa na rin ang sumagap ng chismis sa Facebook. Wala na rin masyadong uma-update sa Google+, either tulog na or gumigimik ang mga tao sa kabila kong kaharian at wala naming makausap nang matino sa planeta ng lover ni Juliet, kaya sound trip na lang muna.

Napagtripan ko ngayong pakinggan si mareng Celine Dion, at habang ngumangawa siya ng I want you to need meeeee! eh napapasenti nanaman ako sa marupok kong kalagayan ngayon. Bakit nga ba ang mga heart-broken nakakarelate sa halos lahat na lang ng kanta? Lalong lalo na yung mga kantang parang uminom ng sangkatutak na Charantia ang song writer nung sinulit nila yun. Eto ang mga kantang sabi nga ng butihin kong kaibigang si T’yang Nena ay “mga lason sa katawan.”

Ewan ko rin. Basta ang alam ko, sumesenti ako ngayon, kasi gusto ko e. Wala na lang angalan. Share ko na lang ang aking 10 Bitterest Songs of the Moment. In no particular order…

Unahin natin ang napakalakas makapagpa-senti na 5 years ngSugar Hiccups. Wala siyang lyrics bukod sa “but he will never be baaacccckkk!!!” Pero kung nakakain ka ng ampalaya tapos napakinggan mo ang kantang ‘to, parang dumodoble ang pait sa dila mo.

Sumusunod ang You Oughta Know ni ateng Alanis Morissette. Eh halos lahat naman ng kanta ni ateng Alanis ay bitter kaya hindi ko na kailangan i-explain pa ‘to.

Ang Karma naman ni Alicia Keys, punong-puno ng hinanakit at paninisi at pagbabanta ng “what comes around goes around, what comes up must come down.”

Mula naman kay Beyonce, ay ang nagmamaganda-ngunit-bitter-pa-rin na Irreplaceable. Oo, nagmamaganda siya dito at pinapakitang kayang kaya kitang palitan, but why bother? Kasi bitter!

Meron din itong si Blondie. Ang kantang kanyang pinasikat noong dekada 80, ang One Way or Another. Akala mo lang happy at upbeat at harmless ang kanta pero isipin natin. She stalks him, follows him wherever, tina-tap ang phone calls, at higit sa lahat, pinaplano niyang lagyan ng rat food ang pagkain ng kanyang biktima. I rest my case.

At bilang nasa dekada 80 na rin lang tayo, isama na natin ang Died In Your Arms ng Cutting Crew. Basta nakaka-bitter siya, lalo na yung linyang “but now it’s over, the moment has gone/I followed my hands to my head, I know I was wrong.”

Isa pa ‘tong Linger ng Cranberries na tungkol sa isang taong minahal mo ng sobra sobra, kaya mong patawarin kahit pangangaliwa at kahit ilang beses mong ulit-ulitin sa sarili mong he’s not worth it, e mahal mo pa rin siya. Yes, bitterness lingers.

Mula naman kay ateng Karen Carpenters… Hurting Each Other. Unang unang linya pa lang: No one in the world ever had a love as sweet as my love. Bitter na bitter na intro pa lang.

Siyempre, hindi pwedeng mawala sa listahan ang Someone LikeYou ni Adele. Kelangan pa bang ipaliwanag ‘to. Parang si Ateng Alanis din ‘to e. Halos lahat na lang ng kinakanta may trace ng ampalaya.

Last but oh so definitely not the least… The Winner Takes ItAll. Originally by Abba, pero sobrang damang dama mo ang bitterness nito pag pinanood mo ang Mamma Mia at nakita mo si Meryl Streep habang kinakanta niya ‘to. Talong talo na at give up na lang, wala ka na lang ibang magawa kundi humagulgol at magmakaawang itigil na ang kalokohan at sabihing “I concede.”

So yun na. Aminin na lang natin sa mga sarili natin na may pait.

SEP
25
2011

In the Beginning

Matapos ang ilang buwang pagpapatumpik-tumpik, ilang linggong pag-iisip-isip, ilang araw ng pagbabasa-basa at pangongolekta ng inspirasyon, ilang oras ng pagpapahinga, pagtingin-tingin sa ilang daang profiles sa planeta ni Romeo, pakikipagkulitan sa mga members ng isang forum ng wonderful people, mangilan-ngilang update ng status sa Facebook at Google+, sa wakas ay napagdesisyunan ko na ring isakatuparan ang blog na ito.

Hindi madaling magisip ng kung ano ang isusulat at pwedeng ma-share sa isang blog. Lalong hindi rin madali ang pagsusulat. Eh hindi naman kasi ako writer.

May mga pagkakataon lang na gusto ko lang ngumawa. Gusto ko lang mag release ng stress. Kaya ito na nga ang produkto. Isang munting blog. Isang munting paraiso kung saan pwede kong sabihin ang lahat ng gusto kong sabihin. Isang maliit na espasyo kung saan ang reyaledad at ang aking imahinasyon ay magsasabong.

Ako si JunA. Diosa. DIVA.

At ito ang aking mundo.