MAR
09
2012

Balloon Fiesta

Kahit walang tulog at nakainom dahil katatapos lang ng opening night ng unang Sine Bahaghari, go na go pa rin kami para makinood sa fiesta ng mga lobo.

Ala-una pasado na ng umaga nang umalis ako ng Chef's Bistro kung saan naganap ang matagumpay naming opening. I just went home to my boyfriend's condo to get a change of clothes and, of course, wake my boyfriend up.

Pasado alas-dos, bitbit ang isang bag ng sitsirya at kendi, nagtungo na kami sa Cubao. We met up with the others in Cubao and after only a few minutes of chitchat, we were already on the bus going to Pampanga.

High energy pa rin kahit walang tulog, ni hindi na ininda ang isa't kalahating oras na biyahe namin sa bus. We got off at Mabalacat. The others went for a change of clothes, while some of us grabbed some snacks. It took us two more jeepney rides before we finally got to Clark Airfield.

Alas-cinco na kami nakarating ng Clark kaya naman di na mahulugang-karayom sa dami ng tao at sa haba ng pila papasok ng airfield. Halos kalahating oras din yata kami nakapila bago nakapasok.

At sa wakas nakapuwesto na rin kami para panoorin ang mga lobo. It was my first time to witness the balloon fiesta. So even without any bit of sleep, my eyes were wide open as we watched the balloons slowly inflate and later take off.

At heto ang ilang mga nakayanan kong makuhang mga pics.

0 comments:

Post a Comment